
Gaya Gaya, Puto Maya
Awawa
Haring batugan
Binulag ka ng iyong kasabihan
Lunod sa pulang luha
Sabaw sa oras
Dikit mata sa salamin
Na nakapangalan sa akin
Sinong bida
Sinong nagpapabida
Wala kaming alam
Wala kaming alam
Diba
Parang biro
Nakangiting dinuro
Pinipilit mo ba na maging ako ikaw
Sinong huwad na tupa sa atin
Mas bagay sa iyong maging alipin
Hinirang ka na bayani
Sinasambang propeta ng lahat
Litanyang kinakanta
Lipas sa oras
Kaalamang pinagkait
At lahat na ay 'inaangkin
Sinong bida
Sinong nagpapabida
Huwag kang mapagpanggap
Nagmamaang-maangan ka
Parang biro
Nakangiting dinuro
Pinipilit mo ba
Na maging ako ikaw
Sinong huwad na tupa sa atin
Mas bagay sa iyong maging alipin