Gusto ko Lamang Sa Buhay
Ayokong mag-intay pa sa imposible
Ayoko ng mga romantikong sine
Ayoko nang umasa pa sa walang silbi
Ayokong tumawid pag pinagbabawal
Ayoko ng kapeng maraming asukal
Ayokong bumili ng underwear na mahal
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako (yakapin mo ako)
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo (yakapin mo ako)
Hindi naman ako milyonaryo
Basta't araw-araw yakap mo ako
Feeling ko ang yaman-yaman ko
Okay lang hindi maging presidente
Okay lang kung mawalan ng kuryente
Okay lang kung ang bumbilya'y walang sinde
Okay lang kung ketchup lamang ang ulam
Ang gulay ay hindi naman kailangan
Basta't sa sandwich mo ako ang iyong palaman
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako (yakapin mo ako)
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo (yakapin mo ako)
Hindi naman ako milyonaryo
Basta't araw-araw yakap mo ako
Feeling ko ang yaman-yaman ko
Feeling ko ang yaman-yaman ko
Ang dami ko pang sinabi
Tungkol sa aking sarili
Lahat ng yon di na bale
Ikaw lang ang importante
Yakapin mo ako
Lunurin sa iyo sa loob ng iyong mga bisig
Dama ko ang iyong pag-ibig