Eurika

H'wag Kang Bibitiw


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Iguhit mo ang iyong pangarap
Habang ang liwanag ng araw ay natatanaw
Sige at hawiin ang tinik sa iyong mga landas
Nasa palad mo ganda ng iyong bukas

Ang buhay ay sadyang makulay (makulay)
Tigib ng pagsubok ang mundong ating nagisnan (ating nagisnan)
Ngunit ang sugat at hapdi na ating naramdaman
Ay siyang lunas upang maging matibay

Ating umaga'y may hiwaga at ganda
Mithiin ng puso'y bukas madarama
Sa Maylikha h'wag kang bibitiw
Pangarap mo'y mararating
Pinagmulan ay huwag mo lang limutin

Gawing ginto ang bawat oras (ang bawat oras)
Ang mga mithiin huwag nang ipagpabukas pa
Bago dumilim ang langit unos ay dumating
Sumilong ka sa Diyos ika'y kumapit

Ating umaga'y may hiwaga at ganda
Mithiin ng puso'y bukas madarama
Sa Maylikha h'wag kang bibitiw
Pangarap mo'y mararating
Pinagmulan ay huwag mo lang limutin oh

Ating umaga'y may hiwaga at ganda
Mithiin ng puso'y bukas madarama
Sa Maylikha h'wag kang bibitiw
Pangarap mo'y mararating
Pinagmulan ay huwag mo lang limutin

Pinagmulan ay huwag mo lang limutin