Nina

Hagkan


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Oh
Hagkan at iyong pagmasdan
Ang ating kay sayang nagdaan
Pagsuyo at lambingan
Laging nakakamtan

Sundan at iyong pakinggan
Tinig ko na nagpapaalam
Tumahan ka't magsaya
Pagkat may sikat pa

Tingnan mo ang aking umaga
Kay tamis at may pag-asa
Oh kay sarap isipin
Tayo'y may bukas din

Ako ay magbabalik rin
Sa umaga sa iyong pag gising
Wag nang lumuha pa
Di na iiwan pa

Oh kay sarap isipin
Tayo'y may bukas din
Ako ay magbabalik rin
Sa umaga sa iyong pag gising
Wag nang lumuha pa
Di na iiwan pa

Di na iiwan pa