Mabuhay Singers

Halina Halina


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Oh mga kasama halina halina
Mag-alay ng panalangin
At dalawin halina halina
Ang sanggol ng Inang Birhen

Maghanda-handa sa pagdiriwang nating gagawin
At sikapin ding mapagmahal ang damdamin natin
At lahat tayo ay dapat magdasal nang mataimtim
Nang tayo'y pagpalain

Oh mga kasama halina halina
Mag-alay ng panalangin
At dalawin halina halina
Ang sanggol ng Inang Birhen

Sa belen tayo ay magsidalaw
At mag-alay ng ating pag-galang
Ya'y tungkulin habang buhay
Ng bawat taong isinilang

Oh mga kasama halina halina
Mag-alay ng panalangin
At dalawin halina halina
Ang sanggol ng Inang Birhen

Maghanda-handa sa pagdiriwang nating gagawin
At sikapin ding mapagmahal ang damdamin natin
At lahat tayo ay dapat magdasal nang mataimtim
Nang tayo'y pagpalain

Oh mga kasama halina halina
Mag-alay ng panalangin
At dalawin halina halina
Ang sanggol ng Inang Birhen