Himig Heswita

Halina, Lumapit Sa Akin


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Kaibigan tantuin mong isang paglalakbay ang buhay
Sanga-sangang landas ay may kahirapan
Kung may lungkot o panganib sa yo'y biglaang dumalaw
O kung ikaw ay mapagod sa bigat ng 'yong pasan
Panginoon ang balingan Panginoon ang asahan (asahan)
Wika niya'y halina lumapit sa akin
Kayong mga napapagal aking pagiginhawahin
Bigat ng inyong pasanin ay aking pagagaangin

Halina (halina)
Kaibigan (kaibigan)
Lumapit sa akin

Kaibigan tantuin mong isang paglalayag ang buhay
Maalon ang dagat at may kalaliman kung may unos
At may hanging 'di mo kayang paglabanan
At sa gabing kadiliman ni tala ay walang tanglaw
Panginoon ang balingan Panginoon ang asahan (asahan)
Wika niya'y halina lumapit sa akin
Kayong mga napapagal aking pagiginhawahin
Bigat ng inyong pasanin ay aking pagagaangin
Halina kaibigan lumapit sa akin