
Hanggang Langit
Ang puso ko'y luksang-luksa ngayon giliw
Pagkat ako'y napawalay sa iyong piling
Ang palad kong ito'y di ko akalain
Magdudulot sa iyo giliw ng damdamin
Naririto ako ngayon lumuluha
Ang puso ko'y punong-puno ng dalita
Huwag mong akalaing kita'y dinadaya
Pagkat ang puso ko'y tapat at dakila
Bakit kaya sinta (bakit kaya)
Ako'y natitiis (natitiis)
At ayaw mong hanguin ang puso ko sa hapis
Asahan mo giliw (asahan mo)
Magpahanggang libing
Hanggang langit ang puso mo ay dadalhin
Bakit kaya sinta (bakit kaya)
Ako'y natitiis (natitiis)
At ayaw mong hanguin ang puso ko sa hapis
Asahan mo giliw (asahan mo)
Magpahanggang libing
Hanggang langit ang puso mo ay dadalhin