April Boy Regino

Hanggang Sa Dulo Ng Aking Buhay


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Wag mo ng isipin
Ang 'yong pagkabigo
Dumilat ka pagmasdan mo
Ang ganda ng mundo
Sa 'yong pag-iisa karamay mo ako
Handang umalalay
Kung saan ka man patutungo
Isipin mo na ang lahat
Ay isa lamang pagsubok
Ibuka ang iyong mga pakpak
Lumipad ka sa langit
At hawiin ang mga ulap

Ang pagkabigo ay tanda ng pagsubok
Dito ka masusubukan
Kung hanggang kailan ang itatagal
Ito'y lumilipas
Nang di mo namamalayan
Ngunit kung hindi makakayanan
Ako'y nandito lamang
Sa iyong tabi na nagmamahal
At nag-aalala sa iyong kapakanan
At ang buhay ko ay iaalay
Hanggang sa dulo ng aking buhay

Wag ka ng matakot
Di kita papabayaan
Kailanman di kita iiwanan
Sa 'yong paglalakbay
Di mo ba nararanasan
Na makatawid sa isang karagatan
Meron kang nalalaman
Ngunit di mo ginagamit
Kung ito'y pag-aaralan
Mithiin mo'y iyong makakamit

Ang pagkabigo ay tanda ng pagsubok
Dito ka masusubukan
Kung hanggang kailan ang itatagal
Ito'y lumilipas
Nang di mo namamalayan
Ngunit kung hindi makakayanan
Ako'y nandito lamang
Sa iyong tabi na nagmamahal
At nag-aalala sa iyong kapakanan
At ang buhay ko ay iaalay
Hanggang sa dulo ng aking buhay
Hanggang sa dulo ng aking buhay

Canciones más vistas de