Aegis

Himig Ng Pag-Ibig


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Sa pagsapit ng dilim ako'y naghihintay pa rin
Sa iyong maagang pagdating
Pagkat ako'y nababalisa kung 'di ka kapiling
Bawat sandali'y mahalaga sa atin

Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
Tulad ng langit na kay sarap marating
Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin
Tulad ng himig na kay sarap awitin

Na na na na na na na

At ngayong ikaw ay nagbalik sa aking piling
Luha ng pag-big kay sarap haplusin
Tulad ng tubig sa batis hinaghagkan ng hangin
Pag-ibig ang ilaw sa buhay natin

Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin (malaya)
Tulad ng langit na kay sarap marating
Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin
Tulad ng himig ng pag-ibig natin

Na na na na na na na
Na na la la la

Na na na na na na na
Na na la la la