
Hindi Na Kita Mamahalin
Ito ang tamang pagkakataon
Na sabihin ang tunay na damdamin
May mga pangyayari kang mapapansin
Tanda ng bagay na darating
Isang araw pag-ibig ko'y maglalaho
Pagmamahal sayo'y hihinto
Ako'y tao lang
Na mayrong hangganan
Kaya ngayon dapat mong malaman
Pag di na sumisikat ang araw
Pag wala nang liwanag ang buwan
Pag wala nang ningning
Ang mga bituin
Hindi na kita mamahalin
Pag wala nang tubig na dumadaloy
Pag di na nakakapaso ang apoy
Pag wala nang dampi
Ang simoy ng hangin
Hindi na kita mamahalin
Hindi na kita mamahalin
Lahat ng bagay may katapusan
Lahat ng sobra ay dapat bawasan
Tulad ng pag-ibig kong sayo lang nakalaan
Ugat ng aking mga kabaliwan
Isang araw pag-ibig ko'y maglalaho
Pagmamahal sayo'y hihinto
Ako'y tao lang
Na mayrong hangganan
Kaya ngayon dapat mong malaman
Pag di na sumisikat ang araw
Pag wala nang liwanag ang buwan
Pag wala nang ningning
Ang mga bituin
Hindi na kita mamahalin
Pag wala nang tubig na dumadaloy
At di na nakakapaso ang apoy
Pag wala nang dampi
Ang mga simoy ng hangin
Hindi na kita mamahalin
Pag di na sumisikat ang araw
Pag wala nang liwanag ang buwan
Pag wala nang ningning
Ang mga bituin
Hindi na kita mamahalin
Pag wala nang tubig na dumadaloy
Di na nakakapaso ang apoy
Pag wala nang dampi
Ang simoy ng hangin
Hindi na kita mamahalin
Hindi na kita mamahalin
Hindi na kita mamahalin