
Ibon
Sayang at akoy hindi naging isang ibon hmm
Mayrong layang lumipad kahit maghapon oh
May layang magmasid sa buong kalangitan
May layang damahin ang ating kalikasan
Oh oh oh
Sayang at akoy hindi naging isang ibon oh
Mayrong layang umawit kahit maghapon oh
Ibong lumilipad habang nag-aawitan
Ibong lumilipad at naliligayahan
Oh
Sayang at akoy hindi naging isang ibon
May pugad sa itaas ng punongkahoy oh
Ibon ay gagawa ng pugad na tirahan
Laging nagtitiyaga kahit na mahirapan
Lalalala oh
Lalalala oh
Ibon ay gagawa ng pugad na tirahan
Laging nagtitiyaga kahit na mahirapan