
Igai Ni Mango
Splash sa gitna ng asul na dagat
Splash ako ay tumalon
Splash sinag ng araw sa summer
Balat ng araw sa'king likuran
Splash kapag ika'y nasa 'king tabi
Splash aking napagtanto
Splash iyong kasuotang panlangoy
Mas maliit kaysa huling taon
Biglang umusbong aking nararamdaman
'Di ito kakaiba ngunit ako ay sadyang nagulat
Igai ni mango igai ni mango
'Di inasahang pagmamahalan kailangan maghintay
Alagaan mango
Aalagaan dalisay ko na puso
Balang araw balang araw
Sa tamang panahon
Nais ko na malaman mo na mahal kita
Breeze silay ng liwanag sa tubig
Breeze sa tuwing ako'y umaahon
Breeze hindi inasahang mahuli
Ika'y sadyang nakatitig sa akin
Breeze mga mata'y biglang nagtagpo
Breeze at nang ikaw ay ngumiti
Breeze sumaklob sa aking damdamin
Susubukan na muli
Hindi maipaliwanag ang iyong kagandahan
Kung sana'y nanatili ang iyong pagkabata
Odoroki mango odoroki mango
Kabataan mabilis lumipas oo mabilis lumipas
Unang bunga mango na mahalaga
Karanasang mapait
Hanggang sa dumating hanggang sa dumating
Ang tamang panahon
Tawagin man ang iyong matamis na halimuyak
Hindi ko na ito aabutin
Ang puso kong matiisin ngunit
Pipigilan aking nararamdaman
Igai ni mango igai ni mango
'Di inasahang pagmamahalan kailangan maghintay
Alagaan mango
Aalagaan dalisay ko na puso
Balang araw balang araw
Sa tamang panahon
Nais ko na malaman mo na mahal kita