Ruben Tagalog

Igalang ang Pasko

Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Pasko sa aming bayan alaala sa haring sumilang
Buong daigdig ay nangag-aawitan
Sa mundo tahimik saan man
Pasko sa aming bayan at sumigla ang lumang simbahan
Nagsabit ang parol sa bawat bahay
O tigib ng kariktan ang buhay

Dito'y mapapansin mo ang masiglang galaw ng mga tao
Nang dahil din sa pasko ang ninong at ninang ay nag-aguinaldo

Pasko sa bawat bayan Sto.Niño'y pinagpupugayan
Yaong mga bansang nangag-didigmaan
Tumigil ang pasko'y ginalang