Pilita Corrales

Iisa Pa Lamang


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Sa dinami-dami ng aking minahal
Panandalian lamang at ilan ang nagtagal
Iisa pa lamang ang binabalikan
Alaala ng kahapong pinabayaan

Sa dinami-dami ng aking nakapiling
Kung sinu-sino ang umibig sa akin
Iisa pa lamang ang inaasam-asam
Ang nakalipas di maaring balikan

At kahit iba na ang minamahal mo
Kung sino man ang siyang may-ari ng iyong puso
Ang bawat pangalan kalaro o kaibigan
Iisa pa lamang ang minahal ko ng ganito

Sa dinami-dami ng aking nakapiling
Kung sinu-sino ang umibig sa akin
Iisa pa lamang ang inaasam-asam
Ang nakalipas di maaring balikan

At kahit iba na ang minamahal mo
Kung sino man ang siyang may-ari ng iyong puso
Ang bawat pangalan kalaro o kaibigan
Iisa pa lamang ang minahal ko ng ganito

At kahit iba na ang minamahal mo
Kung sino man ang siyang may-ari ng iyong puso
Ang bawat pangalan kalaro o kaibigan
Iisa pa lamang iisa pa lamang
Iisa pa lamang ang minahal ko ng ganito