Andrew E.

Ikaw


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Hay nako ayan kasi ano
Ang hihilig sa magagandang lalaki
Ang hihilig sa magagandang babae
Oh ano'ng napala n'yo eh wala din 'di ba
Kaya kung ako sa inyo makinig kayo sa sinabi ko noon
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
Yan ang dapat mong ginawa
Kaya makinig ka sa'kin and it goes a little something like this

Disi-sais na taon oh kay bilis iha
No'ng una mong marinig ang aking kanta
Kay sarap balikan ginintuang nakaraan
Sa humanap ka ng pangit ay nagkantahan
Minemorize sinaulo ng milyon-milyong katao
Na ang importante sa lahat ay pagkatao at hindi
Ang itsura na nakakalinlang
Manloloko mandaraya kaya 'wag na rin lang

Binuwag ko na'ng pagitan ng maganda at pangit na
Mula noon nililibak at nilalait
Kinukutya inaapi nilalayuan
Minamaliit tinatawanan at tinatapak-tapakan
Pero not anymore 'di mo na mararanasan ang
Pandirian ka na para bang isang basahan dahil tao ka
Na may dangal at halaga ganda ng ugaling 'di makita sa iba

Ikaw ang pinakamagandang (ano)
Babae sa balat ng lupa (say what say what)
Ikaw ang pinakamagandang (ano)
Babae sa buhay ko (oh yeah come on)

Kaya dahil sa humanap ka ng pangit natupad
Pamilyang pinapangarap at hinahangad
Kuntento sa asawa ngayon ay masaya
Kahit 'di sila mayaman buhay ay maganda
And guess what labing-labing gabi at araw
Maligayang samahan ay talagang abot-tanaw
Hindi panandalian bagkus magtatagal

Humble may puso't nakinig sa aking pangaral
Dahil sa kanyang pamilya ang buhay masarap
Kuntento s'ya sa partner at hindi naghahanap
Ng iba you know why
Kasi walang kwenta
What for
Para saan pa eh okay na
Mapagmahal sa pamilya (kami ay mabait)
Kuntento sa asawa (at wala kaming kabit)
Oh nice 'di ba pinapangarap n'yo 'yun
Ang magsama ang pamilya ng mahabang panahon

Ikaw ang pinakamagandang (ano)
Babae sa balat ng lupa (say what say what)
Ikaw ang pinakamagandang (ano)
Babae sa buhay ko (oh yeah come on one more time now)
Ikaw ang pinakamagandang (ano)
Babae sa balat ng lupa (say what say what)
Ikaw ang pinakamagandang (ano)
Babae sa buhay ko

Pero sa mga lalake at babae na hindi sa'kin sumunod
Imbis na nagrerelax ngayon sila'y nakaluhod
Mga lalake at babae na pinagtawanan ako
At niloko-loko nila ang awitin kong ito
Sila ngayon ang gabi-gabing binabangungot
Na sa asawa nila ay may umaasungot
Na ang lalake may ginagawang hiwaga sa dilim
At sa asawang babae may ibang tumitikim
Hindi sila naniwala sa kanta ni Andrew E kaya ngayon
Broken hearted at broken family
Bugbugan sakitan tapos nu'n hiwalay
Depressed lahat at gusto na nilang pakamatay
Kaya para lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
Kung hindi sige ka puso mo'y mabibiyak
At ang 'di sumunod noon ngayon umiiyak

Ikaw ang pinakamagandang (ano)
Babae sa balat ng lupa (ano'ng napala nyo e di wala say what say what)
Ikaw ang pinakamagandang (ano'ng napala n'yo eh 'di wala ano)
Babae sa buhay ko (ano'ng napala n'yo eh 'di wala oh yeah come on one more time now)
Ikaw ang pinakamagandang (ano'ng napala n'yo eh 'di wala ano)
Babae sa balat ng lupa (ano'ng napala nyo e di wala say what say what)
Ikaw ang pinakamagandang (ano'ng napala n'yo eh 'di wala ano)
Babae sa buhay ko (ano'ng napala n'yo eh 'di wala)