
Ikaw Ang Lahat Sa Akin
Ang lagi mong isipin
Ay mahal ka sa akin
Ang pag-ibig hanggang libing
Kaya't ang alinlanga'y pawiin
At kapag sa iyong piling
Malalayo o giliw
Magdurusa ang damdamin
Sapagkat ikaw giliw ang lahat sa akin
Magpakailan pa man
Ay iyong asahan
Ikaw lang ang minamahal
Pagkat nasa iyo
Ang kaligayahan
Manalig ka o hirang
Sa puso ko't damdamin
Ay di ka magmamaliw
Lagi kitang susuyuin
Dahil sa ikaw giliw
Ang lahat sa akin