
Ikaw ay tumawa
Ay ay ay ikaw pala'y iyakin
Ay ay ay maramdamin ka giliw
Ay hindi ka pala dapat biruin
Ang puso mo'y talusaling
Ay ay ay tulad mo'y asing natunaw hirang
Sa konting patak ng tubig lamang
Pag nasaling ang damdamin mo mutya
Nagtatampong bigla parang makahiya
Ay sa halip na mag-iiyak ka pa
Di ba mabuting ikaw ay matawa
Itong buhay kung palaging masigla
Sa tawanan ang mundo ay masaya
Ay ay ay tulad mo'y asing natunaw hirang
Sa konting patak ng tubig lamang
Pag nasaling ang damdamin mo mutya
Nagtatampong bigla parang makahiya
Ay sa halip na mag-iiyak ka pa
Di ba mabuting ikaw ay matawa
Itong buhay kung palaging masigla
Sa tawanan ang mundo ay masaya
Tulad mo'y asing natunaw hirang
Sa konting patak ng tubig lamang
Pag nasaling ang damdamin mo mutya
Nagtatampong bigla parang makahiya