ASOP

Ikaw Lamang Ang Pupurihin


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

'Di ko batid
Landas na dapat kong tahakin
Ligaw na ang isipan at puso'y 'di alam
Ang dapat na gawin

Ako'y napalingon
Sa daan patungo sa iyo
Biglang naliwanagan
Ikaw pala ang kailangan sa buhay kong ito

Ikaw lamang ang pupurihin Diyos aking Ama
Nandito lang ang iyong anak sa'yo'y sumasamba
Kailangan ko ang yakap mo at Iyong pagmamahal
Wala nang hihigit pa sa iyo Ama

Pinapangako ko
Ang buhay ko'y iaalay sa'yo
Ikaw ang uunahin lahat ay gagawin
'Wag lang sa'yo'y malayo

Ikaw lamang ang pupurihin Dyios aking Ama
Nandito lang ang iyong anak sa'yo'y sumasamba
Kailangan ko ang yakap mo at iyong pagmamahal
Wala nang hihigit pa sa iyo Ama

Lumuluhod ako ngayon at sa'yo'y sumusuko
Sadyang kalooban mo lamang ang dapat masunod
At kung maghirap man ako sa buhay kong ito
Umasa ka na ikaw lang ang siyang iibigin ko

Ikaw lamang ang pupurihin Diyos aking Ama
Nandito lang ang iyong anak sa'yo'y sumasamba
Kailangan ko ang yakap mo at iyong pagmamahal
Wala nang hihigit pa sa iyo Ama

Ikaw at ikaw lamang ang pupurihin Diyos aking Ama
Nandito lang ang Iyong anak sa'yo'y sumasamba
Kailangan ko ang yakap mo at iyong pagmamahal
Wala nang hihigit pa sa iyo Ama oh