
Ikaw Lang
Balita ko ay may pangarap kang nais makamit
Nakikita ko ito sa 'yong mga mata
Balita ko may mga bagay kang nais na gawin
Pero natatakot ipakita sa iba
Di mo ba alam pag naniwala ka sa 'yong sarili na
Kaya mong gawin
Ang lahat ng pangarap mo
Tiwala lang sa sarili ang kulang sa iyo
Dahil ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang kaya mong abutin
Ikaw lang ang nakakaalam kung hanggang saan mo kayang dalhin
Ang iyong mga pangarap
Gaano ba ito kahirap (hey)
Sabi raw nila ay kaya mo naman
Maniwala ka sa mga sinasabi ko
Meron kakayahang ibago sa mundo
Mga bagay na marami matatandaan
Di mo ba alam pag naniwala ka sa 'yong sarili na
Kaya mong gawin
Ang lahat ng pangarap mo
Tiwala lang sa sarili ang kulang sa iyo
Dahil ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang kaya mong abutin
Ikaw lang ang nakakaalam kung hanggang saan mo kayang dalhin
Ang iyong mga pangarap
Gaano ba ito kahirap
Huwag kang makikinig sa mga tinig na pilit nilalayo ka sa mga pangarap mo
Maraming maaaring masasabi ang iba
Huwag kang mawawalan ng pag-asa
Maniwala ka lang sa sarili mo
Dahil ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang kaya mo (hey)
Ikaw lang ang nakakaalam
Kung hanggang saan mo kayang dalhin ang iyong mga pangarap
Gaano man ito kahirap
Balita ko ay may pangarap ka