
Inday Ng Buhay Ko
Inday ng buhay ko
Ikaw ay nasaan
Bigla kang nagtampo
Ano ang dahilan
Kung diringgin mo lang
Ang puso kong nalulumbay
Taghoy ko araw-araw
Ikaw ikaw Inday
Larawan mo Inday
Hinahagkan-hagkan
Kinakausap ko
Luha'y bumubukal
Saan kaya ngayon
Ikaw ay matatagpuan
Kapag di ka nakita
Ako'y mamamatay
Inday ng buhay ko
Ikaw ay nasaan
Bigla kang nagtampo
Ano ang dahilan
Diringgin mo lang
Ang puso kong nalulumbay
Taghoy ko araw-araw
Ikaw ikaw Inday
Nahan nahan
Nahan ka o Inday
Inday ng buhay ko