Musikatha Kids

Isang Pag-Ibig


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ang pag-ibig ng Diyos sa'tin ay di nagmamaliw
Di nagbabago tapat wagas at totoo
Ang pag-ibig niyang dalisay sa akin at sa'yo
Atin nang ibahagi ang pag-ibig ni Kristo

Isang pag-ibig na magbubuklod sa atin
Magbibigay liwanag sa mga naninimdim
Atin nang abutin at isabog sa dilim
Dinggin ang pag-ibig ng Diyos
Pag-ibig nya sa'tin

Ang pag-ibig ng Diyos sa'tin ay di nagmamaliw
Di maglilikat sapat ang pag-ibig nya sa lahat
Ang pag-big niyang dalisay sa akin at sa'yo
Atin nang ibahagi ipamalita sa mundo

Isang pag-ibig na magbubuklod sa atin
Magbibigay liwanag sa mga naninimdim
Atin nang abutin at isabog sa dilim
Dinggin ang pag-ibig ng Diyos
Pag-ibig nya sa'tin

Sa batang katulad ko maging kahit kanino
Napakadakilang ang pag-ibig pag-ibig na
Totoo totoo

Isang pag-ibig na magbubuklod sa atin
Magbibigay liwanag sa mga naninimdim
Atin nang abutin at isabog sa dilim
Dinggin ang pag-ibig ng Diyos

Pag-ibig nya sa'tin
Pag-ibig nya sa'tin