
Isang Panaginip
Sa aking pagtulog ako ay biglang pinukaw
Isang panaginip magtitiis gabi't araw
At sa aking wari puso ko ay matutunaw
Ngunit tunay pala buti pang pumanaw
Nahan ka aking mahal ika'y kailangan
Dalangin sana ay pakinggan
Matitiis mo ba na ako ay iyong iwanan
Ang iyong habag hirang ay siyang inaasam
Nahan ka aking mahal ika'y kailangan
Dalangin sana ay pakinggan
Matitiis mo ba na ako ay iyong iwanan
Ang iyong habag hirang ay siyang inaasam
Magpakailan pa man ang mahal ay ikaw