
Isang Taon
Isang taon ako sayo'y umibig
Isang taong nagtiis at sinabik
Naghintay at nagpakasakit
At umasa sa iyong pag-ibig
Isang taon di ka man lang naawa
Sa puso kong lihim na may luha
Kailan ko kaya malalaman
Ang tibok ng puso mo hirang
Ang pag-ibig sayo ay dalisay
Tanggapin mo o hindi man
Ikaw lamang ang siyang paraluman
At langit nitong aking buhay
Hindi ako nawawalan ng pag-asa
Maghihintay habang may hininga
Kung iba ang maging mapalad
Magmamahal kahit sa pangarap
Ang pag-ibig sayo ay dalisay
Tanggapin mo o hindi man
Ikaw lamang ang siyang paraluman
At langit nitong aking buhay
Hindi ako nawawalan ng pag-asa
Maghihintay habang may hininga
Kung iba ang maging mapalad
Magmamahal kahit sa pangarap