
Isang Ulit Man Lang
Akala ko'y habang panahon
Ako ay 'yong mamahalin
Akala ko'y di magbabago
Ang mundo para sa atin
Ngayon ika'y nagbago na
Ako ay nag-iisa
Kung wala na ngang pag-asa
Pakiusap ko ay sana
Isang ulit man lang makita ka
Isang ulit man lang mayakap ka
Babaunin ko ang alaala mo
Hanggang magwakas pati ang buhay ko
Isang ulit man lang mahagkan ka
Isang ulit man lang ay madama
Ang pag-ibig ko na para lang sa'yo
Bago maglahong lahat
Isang ulit man lang
Hindi na mapipigilan
Itong ating katapusan
Hindi na ba mapapalitan
Ang ating kinabukasan
Naging mahirap ba sa yo
Nang ako'y inibig mo
Kung wala na ngang pag-asa
Pakiusap ko ay sana
Isang ulit man lang makita ka
Isang ulit man lang mayakap ka
Babaunin ko ang alaala mo
Hanggang magwakas pati ang buhay ko
Isang ulit man lang mahagkan ka
Isang ulit man lang ay madama
Ang pag-ibig ko na para lang sa'yo
Bago maglahong lahat
Isang ulit man lang
Bago maglahong lahat
Isang ulit man lang