Roel Cortez

Itinadhana Sa Tagumpay


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Bayan kong Pilipinas
Kung tawagin ay perlas ng silangan
Nahalina ang mga dayuhan
Sa paraiso naakit ang lahat

Bakit ba pababayaan mo
Buhay ma'y ibibigay para sayo
Ipinaglaban ang kalayaan at pagbabago
Upang tayo'y maging taas noo kahit kanino

Sigaw ito patunay sa mundo
Lakas ng bayan ay nagkaisang mga tao
Pilipino ipagpatuloy mo
Itinadhana ka sa tagumpay

Ako'y may dugong maharlika
Kayumanggi yan ang kulay ko
Ako'y Pinoy maging sa damdamin
Mula sa pagsilang likas na sa puso

Bayan kong pinagpala ng langit
Tungo sa bayang may kasaysayan
Bunga nito'y mayaman o mahirap
Dangal ng sariling lahi ika'y ibang-iba

Sigaw ito patunay sa mundo
Lakas ng bayan ay nagkaisang mga tao
Pilipino ipagpatuloy mo
Itinadhana ka sa tagumpay

Itinadhana ka sa tagumpay