
Itlog Na Pula
Kay hirap pala ng mag-isa
Wala kang kasama sa tuwi-tuwina
Hawakan mo ang aking kamay at mata'y ipikit
Damhin ang init ng labi sa iyong pandinig
Iwaliw ang takot sa dibdib
Bigyan ng pag-asang maipadama
Na ako sa'yo'y in love
Isang araw ako'y nangarap
Ikaw raw ay aking kasama
Ngunit bigla kang tumakbo papalayo sa akin
Pilitin mang habulin ngunit ika'y
Malayo na sa aking paningin o bakit giliw
Sadyang pangamba ang iyong tugon sa alay kong pag-ibig
Iwaliw ang takot sa dibdib
Bigyan ng pag-asang maipadama
Na ako sa'yo'y in love
Isang araw ako'y nangarap
Ikaw raw ay aking kasama
Ngunit bigla kang tumakbo papalayo sa akin
Puso'y nagdurugo parang itlog na pula ah
Iwaliw ang takot sa dibdib
Bigyan ng pag-asang maipadama
Na ako sa'yo'y
Na ako sa'yo'y
Na ako sa'yo'y in love