
Ito Ang Aking Daigdig
Ito ang aking daigdig
Ito ang aking daigdig
Luha ang lagi kong kapiling
Pagkat ang aking pag-ibig
Binigo ng aking daigdig
Ang bawat araw sa akin
Ay dilim ang nakapaligid
Nang iniwan ng aking giliw
Pagkat ang daigdig ko'y walang langit
Kung akin lang maaabot
Ang langit na matayog
Sana'y di napasaiba
Ang puso ng aking hirang
Ngunit anong magagawa
Kung dulot na ng tadhana
Ako ay handa nang magtiis
Pagkat ito ang aking daigdig
Ngunit anong magagawa
Kung dulot na ng tadhana
Anang magtiis pagkat ito
Ang aking daigdig
Ang aking daigdig