
Iwanan Mo Na Siya
Hindi mo ba alam
Na kriminal yang boyfriend mo
Nakita ko siya dati
Nagtitinda ng drugs sa kalye
Mag ingat ka sinta
Wag kang basta magtitiwala
Hindi mo ba napapansin
Parang ang hina nyang kumain
Baka naman nagshashabu
Mabuti pa ipakulong na natin
Sindikato tatay nyan
Kaya siguro siya mayaman
Wag ka sanang maniwala sa mga katulad nya
Di ka dapat magtiwala at iwanan mo na sya
Sapagkat mahal kita
At walang ibang magagawa
Kundi sirain ang pangalan nya
Sinta
Nakwento ko na ba giliw
Na ang boyfriend mo ay may pagkabaliw
Mahilig siyan kumain
Ng basura at buhangin
Ano ngayon kung pogi sya
Mukha naman syang kontra bida
Wag mo sanang sasabihin
Na nanggaling sa akin ang lahat ito
Ang sabihin mo na lamang
Ay may nagtext syo
At di mo alam kung sino
Wag ka sanang maniwala sa mga katulad nya
Di ka dapat magtiwala at iwanan mo na sya
Sapagkat mahal kita
At walang ibang magagawa
Kundi sirain ang pangalan nya
Sinta
Sinta
Sinta