
Kaalagad
Tayo'y binigyan Niya ng puso
Upang umibig at matutong mangarap
Pinagkalooban ng talino
At mga bisig upang humayo't magsikap
Ng kalakhan pagbabago
Ay maging ganap at lubos
Tayo'y kaalagad at lipunang Kristiyano
Ang galawan ni Kristo sa lupang sinta
Tayo'y kaalagad kaagapay kasama
Kapanalig ng masa dito sa bayan Niya
Tayo'y binigyan Niya ng himig
Ng kapatiran damayan at paglingap
Upang maglaan at pumanig
Makipamuhay sa mga mahihirap
Sa gabay ng ebanghelyo
Sa mga yapak ni Hesus
Tayo'y kaalagad at lipunang Kristiyano
Ang galawan ni Kristo sa lupang sinta
Tayo'y kaalagad kaagapay kasama
Kapanalig ng masa dito sa bayan Niya
Tayo'y kaalagad katipunang Kristiyano
Manggagawa ni Kristo sa lupang sinta
Tayo'y kaalagad kaagapay kasama
Kapanalig ng masa dito sa bayan Niya