Mark Oblea

Kabilugan Ng Buwan


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Kapanahunan na naman ng paglalambingan
At kasama kitang mamasyal sa kung saan
Kabilugan ng buwan at ang hangin ay may kalamigan (kalamigan)
Aakapin kita mahal ko sa buong magdamag (magdamag)

Pagmamahalan lang naman ang mararanasan (oh)
Sa sariling mundo tayo lang ang may alam
Kabilugan ng buwan at ang hangin ay may kalamigan
Aakapin kita mahal ko sa buong magdamag

Halina't pakinggan ang awit na dala ng pag-ibig
Masaya ang mundo pag kapiling kita ganito (ganito)
Huwag kang hihiwalay at ang puso ko ay maligaya
Lapit na oh lapit pa (lapit pa lapit pa)

Pagmamahalan lang naman ang mararanasan (oh)
Sa sariling mundo tayo lang ang may alam (alam)
Kabilugan ng buwan at ang hangin ay may kalamigan (kalamigan)
Aakapin kita mahal ko sa buong magdamag

Halina't pakinggan ang awit na dala ng pag-ibig (ng pag-ibig)
Masaya ang mundo pag kapiling kita ganito (ganito)
Huwag kang hihiwalay at ang puso ko ay maligaya (maligaya)
Lapit na oh lapit pa (lapit pa lapit pa)
Lapit pa (lapit pa)

Kapanahunan na naman ng paglalambingan (ng paglalambingan)
At kasama kitang mamasyal sa kung saan (sa kung saan-saan)
Kabilugan ng buwan at ang hangin ay may kalamigan (kalamigan)
Aakapin kita mahal ko sa buong magdamag (sa buong magdamag)
Aakapin kita mahal ko sa buong magdamag (sa buong magdamag)
Aakapin kita mahal ko sa buong magdamag