
Kahit Ika'y Nagbago
Bakit ba ako'y naghihintay
Kahit na alam kong di ka darating
Puso ko ngayo'y nanlulumbay
Dahil di mo na ako pinapansin
Hindi ba't kailan lang
Di matapos-tapos ang ligaya sa ating damdamin
Sana'y di na lang tayo nagtagpo
Kung nalaman ko lamang na mabibigo
Sayang lang pala ang pag-ibig ko
Puso ay inialay para sayo
Ngunit giliw ko kahit ika'y nagbago
Ang pagmamahal at pagsintang ito ay di maglalaho
Iiwasan kong lumuha man
At hindi ako magdaramdam sayo
Kahit puso ko ay nasaktan
Di ko pipigilan ang siyang nais mo
Ako'y magtitiis
Kahit na buong katotohanan ay
Hapdi ay labis sana'y di na lang tayo nagtagpo
Kung nalaman ko lamang na mabibigo
Sayang lang pala ang pag-ibig ko
Puso ay inialay para sayo
Ngunit giliw ko kahit ika'y nagbago
Ang pagmamahal at pagsintang ito ay di maglalaho
Sana'y di na lang tayo nagtagpo
Kung nalaman ko lamang na mabibigo
Sayang lang pala ang pag-ibig ko
Puso ay inialay para sayo
Ngunit giliw ko
Kahit ika'y nagbago (ika'y nagbago)
Ang pagmamahal at pagsintang ito
Ay di maglalaho (sayang lang pala ang pag-ibig ko)
Ooh ay di maglalaho ooh