Sheryl Cruz

Kahit Ika'y Nasa Malayo


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ooh

Paalam na sa 'yo aking mahal
Muli na naman tayong magkakahiwalay
Tulad nang dati mamimiss kita lalo na sa pag-iisa
Ang puso ko'y hanap-hanapin ka ooh

Alam ko rin na nalulungkot ka
Sa 'yong mga mata'y aking nababakas
Hayaan mong pagdating ko roon tatawagan agad kita
Tandaan mong mahal na mahal kita

Kahit ika'y nasa malayo ikaw ang nasa puso ko
Mga pangarap ko'y para sa 'yo
Tanging ang iyong mga liham at larawang pinadadala
Ang nagbibigay sa akin ng saya ooh

Kay hirap mabuhay sa ibang bansa
Araw gabi nalulumbay naaalala ka
Tatag ng loob huwag mawawala panalangin ay lalo na
Ito ang siyang liwanag aking sinta

Kahit ika'y nasa malayo ikaw ang nasa puso ko
Mga pangarap ko'y para sa 'yo
Tanging ang iyong mga liham at larawang pinadadala
Ang nagbibigay sa akin ng saya ooh

Kahit ika'y nasa malayo ikaw ang nasa puso ko
Mga pangarap ko'y para sa 'yo
Tanging ang iyong mga liham at larawang pinadadala
Ang nagbibigay sa akin ng saya

Hanggang sa muli mamimiss kita
Ooh larara oh