
Kahit Sa Panaginip Lang
Lihim kang hinahagkan
Sa'king pangarap
Ang labi mong kay pula
Tulad ng rosas
Ang buhok mong kay ganda
Abot hanggang baywang
Gustong gusto kong haplusin
Sa'king mga kamay
Kislap ng iyong mata
Saki'y nakatitig
At nagsasabing
Tayo'y magpasyal doon sa langit
Habang yakap yakap kita
Sa'king mga bisig
O anong saya
Aking nadarama o aking sinta
Kung panaginip lang
Ayaw kong gumising
Baka ikaw ay magtampo
At maglaho sa akin
At di na muli pang makita
Sa'king panaginip
Di na muli pang malasap
Ang ating pag-ibig
Kahit malayo pa ang gabi
Ibig ko nang matulog
Nang makita ka at mahagkan
Sa buong magdamag
Ligayang walang katapusan
Malasap ko lamang
Pag-ibig na kay tamis
Kahit sa panaginip lang
Kislap ng iyong mata
Saki'y nakatitig
At nagsasabing
Tayo'y magpasyal doon sa langit
Habang yakap yakap kita
Sa'king mga bisig
O anong saya
Aking nadarama o aking sinta
Sa panaginip lang
Sa panaginip lang