
Kahit Sa Pangarap Lang
Kahit saan man magpunta
Ikaw ang siyang laging naaalala
Kahit sa aking pagtulog
Ikaw ang siyang laging panaginip
Ito ay nadama
Nang makilala ka
Sa isip ko'y di na nawalay pa
Yayakapin ka
Kahit sa pangarap lang
Hahagkan kita
Kahit sa pangarap lang
Kahit sa pangarap lang
Na makasama ka
Kahit sa pangarap lang
Liligaya
Bakit kapag kausap ka
Hindi ko masabing mahal kita
Dahil hindi ko makita
Sayong mga mata ang pag-asa
Kung mabibigo
Sayo itong puso
Pag-ibig kong ito'y itatago
Kailan kailan madarama
Ang tunay na tamis ng pagsinta
Laging laging inaasam
Na kahit sandali mayakap ka
Sa yaman mo at ganda
Milagrong talaga
Na ako'y ibigin mo
Yayakapin ka
Kahit sa pangarap lang
Hahagkan kita
Kahit sa pangarap lang
Kahit sa pangarap lang
Na makasama ka
Kahit sa pangarap lang
Liligaya