Parokya Ni Edgar

Kailan Pa


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Bakit tuwing ikaw ay nakikita
Lumulundag ang aking puso
Kapag ang tinig mo nama'y naririnig
Tahimik ang buong daigdig

Bawat gabi mag-isa akong nag-iisip
Sana ay kapiling ka
Balak ko sana'y sabihin ko na
Ang aking nadarama

Kailan pa ito magagawa
Kailan pagbibigyan ng tadhana
Bukas ba o sa makalawa
Kung hindi ngayon kailan pa

Minsan tayo'y naiwan
Walang ibang kasama
Ngunit nang ikaw ay kaharap ko na
Di ko masabing mahal kita

Kailan pa ito magagawa
Kailan pagbibigyan ng tadhana
Bukas ba o sa makalawa
Kung hindi ngayon kailan pa

Kailan pa ito magagawa
Kailan pagbibigyan ng tadhana
Bukas ba o sa makalawa
Kung hindi ngayon kailan pa

Kailan pa ito magagawa
Kailan pagbibigyan ng tadhana
Bukas ba o sa makalawa
Kung hindi ngayon kailan pa
Kailan pa