
Kanlungan
Oh
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ay unang nagkita
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayo nagsimulang
Mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba
Inukit mong puso sa punong mangga
At ang inalay mong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon
Ngayon ikaw ay nagbalik (ngayon ikaw ay nagbalik)
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita (kabiyak ng ating gunita)
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon
Oh oh