
Kapag Ako'y Umibig
Malamig ang ihip ng hangin
Bakit ako nag iisa
Dati pa ako nakatingin
Bat 'di pa rin kita nakikita
Matagal ng nakalipas
Hanggang ngayon ay natatakot pa rin
Handa na akong muling umibig
Ngunit ayoko nang masaktan pa muli
Kapag ako'y umibig
Binibigay ko ng buong buo
At kung ikaw ang mapili
Sayo iikot ang aking mundo
Malamig ang ihip ng hangin
Ayaw ko nang nagiisa
Dati pa ako nangangamba
Hanggang ngayo'y wala ka pa
Matagal ng nakalipas (ha)
Hanggang ngayo'y natatakot pa rin (ha)
Handa na kong muling umibig (ha)
Ngunit ayoko nang masaktan pa muli
Kapag ako'y umibig
Binibigay ko ng buong buo
At kung ikaw ang mapili
Sayo iikot ang aking mundo
Nasanay na akong nag-iisa
Ang puso ko'y nandito pa ba ha
Ito nga ba ito sana ang tunay na ligaya
Kapag ako'y umibig
Binibigay ko ng buong buo
At kung ikaw ang mapili
Sayo iikot ang aking mundo
Ang aking mundo oh
Kapag ako'y umibig ah