
Kapayapaan
Kapayapaan
Walang kapayapaan
Kapayapaan
Walang kapayapaan
Walang kapayapaan sa pagkain
O ano mang suoting damit o sapatos
Sa bundok man ay wala rin
Kahit pigain ay wala pa ring aagos
Sa ilog o sa baybayin
Kahit pa saan mong karagatan iraos
Maging panatag ang damdamin
Walang kapayapaan kahit saang tanawin
Walang kapayapaan sa
Pagiging payapa mo
Kapayapaan ay hindi
Nananahanan sa isipan mo
Kapayapaan
Walang kapayapaan
Walang kapayapaan
Kung kapayapaan ay pansarili lamang
Walang kapayapaan pag hindi
Mo narinig ang mga pighati
Walang kapayapaan pag hindi
Mo natanaw ang mga nasawi
Sa kalunsuran, at sa bawat bayan
Sa kadilimdiliman ng mga lansangan
Walang awang pinaslang sa sariling tahanan
Sa mismong harapan ng mga kamag-anakan
Sa mga malayong kanayunan
Lupang katutubo at lupang sakahan
Sa ibayo ng kakahuyan, sa gitna habang
Pinapalibutan ng mga guro't batang
Sa pag-aaral ay pinigilan
Para takutin ang murang isipan
At nakawin ang kanilang kapayapaan
ang kanilang kapayapaan
Kapayapaan
Walang kapayapaan
Walang kapayapaan
Kung kapayapaan ay pansarili lamang
Kung may isang magsasakang gutom na gutom
Sa gitna ng sakahang tuyot ay kulong
Nakahandusay habang sikmura'y kumakalam
Siya nga ba'y gutom kahit sya lang ang may alam?
Kung may biktimang pinaslang, binaril sa ulo
Sa liblib ng kagubatan ng isang sundalo
Pinatay at dinamay ang katotohanang
Mundo ay di niya payapa na nilisan
Huwad ang kapayapaan na base sa mga
Di dinig ng mga tenga at di kita ng mga mata
Lahat ay nakaugnay sa pagkadiskonekta
Ng karamihan sating tunay na esensya
Kapayapaan ay ang rurok ng humanidad
Iisang sinerhiya ang dama ng lahat
Kapayapaan ay ang pag-unawa sa sagad
Kapag bawat isa nakakakuha ng sapat
Kapayapaan
(Iisang sinerhiya ang dama ng lahat)
Kapayapaan
Kapayapaan
(Iisang sinerhiya ang dama ng lahat)
Kapayapaan
Autor(es): David V. Villania