Roots of Nature

Karamay


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Sa akin mo ihawak ang kamay
Itago mo ang pagod at lumbay
Isipin mo ang ating pinagmulan
Malayo at bako-bakong daan
Kaibigan magkasama tayo
Pigilan ang pag-ikot ng mundo

Tayo ay magkaibigan
Di mo man sinasabi
Tayo ay magkaibigan
Ito ang ating nadarama
Tayo ay magkaibigan

Pilitin mo na kaya mong gawin
Ingatan ang mundong hinihiling
Makikita mong di ka naiiba
Marami na tayong umaasa
Kaibigan magkasama tayo
Ingatan ang pag-usad ng mundo

Tayo ay magkaibigan
Di mo man sinasabi
Tayo ay magkaibigan
Ito ang ating nadarama
Tayo ay magkaibigan

Simulan mo ngayon
Ang ating pangarap

Tayo ay magkaibigan
Di mo man sinasabi
Tayo ay magkaibigan

Tayo ay magkaibigan
Di mo man sinasabi
Tayo ay magkaibigan
Ito ang ating nadarama
Tayo ay magkaibigan
Iisa ang pinagmulan
Tayo ay magkaibigan


Autor(es): FERRY BALTAZAR, JEFF BAUIN, MARCK ESTRELLA