
Kathang-Isip
Di makalakad ng tuwid ngayong gabi
Nanlalambot ang katawan
Nabihag ng iyong ngiti
Sa piling mo ako'y hindi mapalagay
Parang gusto kong lumipad
Kapag hawak ang iyong kamay
Sandali lang mahina ang kalaban
Sana ako na lang
Sana ikaw na lang
Ang para sa'kin at hindi lang kathang-isip
Sana ikaw na lang
Sana ako na lang
Ang iyong minimithi dinaramang pag ibig na
Kathang-isip
Dumadalas ang paghiling sa mga tala
Ikaw ang laging nasa isip sa pagpikit ng mga mata
Kumikirot ang puso pag naaalala
Na ang aking pinapangarap
Ay hanggang pangarap lang
Sandali lang mahina ang kalaban
Sana ako na lang
Sana ikaw na lang
Ang para sa'kin at hindi lang kathang-isip
Sana ikaw na lang
Sana ako na lang
Ang iyong minimithi dinaramang pag ibig na
Kathang-isip
Pagod ng managinip
Ayokong manatiling pag-asa lang ang
Mga pangarap natin
Pagbibigyan kaya ng tadhana ang
Pinapanalangin
Oh
Sana ako na lang
Sana ikaw na lang
Oh
Sana ako na lang
Sana ikaw na lang
Ang para sa'kin at hindi lang kathang-isip (hindi lang kathang-isip)
Sana ikaw na lang
Sana ako na lang
Ang iyong minimithi dinaramang pag ibig na
Kathang-isip