Zia Quizon

Katulad Ng Iba

Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Hindi lahat ng mahina nananatiling mahina
Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas
Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina
Mata mo'y iyong buksan bumangon ka't makialam

Paggising sa umaga parang ayaw kong bumangon
Ayoko nang maligo tapos na ko kahapon
Ubusin ang almusal binabagalan lumamon
Hindi natutuwa kahit pa dagdagan ang baon
Palaging walang kibo tahimik sa tabi
Hindi ako nakatulog ng magdamag buong gabi
Bilisan mo nang kumilos baka ka mahuli

Anak bakit ka tulala lumalamig na ang kape
Di ko alam ang gagawin ayoko ng pumasok
Hindi naman mabaho bakit nakakasulasok
Merong mga nangyayari sa'tin sa paaralan
Hindi bukas makalawa ngayon dapat solusyonan

Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina
Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas
Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina
Mata mo'y iyong buksan bumangon ka't makialam

Ano'ng iyong napapala pagnanapak ka sa mukha
Maliliit tinatabunan ng tadyak sabay dura
Laging pinapagtulakan hanggang sila'y madapa
Na parang di mo alam ang salitang mapagkumbaba
Unipormeng maputi papahiran ng dumi
Pinunit ang takdang aralin kong tinapos kagabi
Minsan ako'y napapa-isip di ko maisang tabi
Pakikipagkapwa tao ba sayo ay guni-guni

Kaibigan isa lamang ang dapat mong tandaan
Nawa'y ang putik mong tinapakan ay di ka balikan
Dahil ang nagmamataas kahit na may dahilan
Ay ang siyang nadudulas upang lupa'y halikan

Ang ibinababa ang siyang tinataas
Ang nagmamataas ang siyang nadudulas
Ang ibinababa ang siyang tinataas
Ang nagmamataas ang siyang nadudulas

Tayo'y maging mapagmasid tulungan natin sila
Wag tayong maging manhid na katulad ng iba