
Kay Bangu-Bango
Kay bango bangong bulaklak
Ang nakakatulad mo
Halimuyak mong taglay ay di nagbabago
Tulad ko'y bubuyog sayo'y nakadapo
Pag ika'y nalagas lagas din ang puso
Bakit mo inakit na kita'y ibigin
Kung masasawi lang ang puso ko neneng ay neneng
Ang iyong bangong taglay
Ay pangarap ko rin
Habang buhay ko ngang hahanapin
Bakit mo inakit na kita'y ibigin
Kung masasawi lang ang puso ko neneng ay neneng
Ang iyong bangong taglay
Ay pangarap ko rin
Habang buhay ko ngang hahanapin
Tunay na kita'y mahal aking giliw