Vehnee Saturno

Kay Hirap Tumanda


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Nung dati ay wala akong problema
Lahat ng bagay ay kayang kaya
Kahit ano ay pwede kong subukan
Ang bawal ay di ko iniinda

Mula gabi maging hanggang umaga
Tuloy ang buhay na anong saya
Ang pagtanda ay di ko nakikita
Kasi noon ako ay bata pa

Kay hirap kay hirap tumanda
Kay daming hindi magagawa
Rayuma ayaw kumawala
Kasi lahat sayo'y humihina

Kay hirap pag lolo at lola ka na
Gamot mo kay dami at iba iba
Pelekes sa mukha ay nagmumura
Sadyang ganyan kapag matanda na

Ngayon kay dami ng inaalala
Gustong gawin ay di ko na makaya
Kulang na lang palagi ay may yaya
Dahil kung minsan ay ulyanin na

Mabuti pa ay tanggapin na lamang
Ang pagtanda ay di maiiwasan
Basta't sa kapwa ay may kabutihan
Ikaw ay may pinagkatandaan

Kay hirap kay hirap tumanda
Kay daming hindi magagawa
Rayuma ayaw kumawala
Kasi lahat sayo'y humihina

Kay hirap pag lolo at lola ka na
Gamot mo kay dami at iba iba
Pelekes sa mukha ay nagmumura
Sadyang ganyan kapag matanda na

Ang tama'y magkunwari na lang na bata upang maramdaman
Ang buhay ay tunay ngang ganyan ang pagtanda ay ating hantungan

Kay hirap kay hirap tumanda
Kay daming hindi magagawa
Rayuma ayaw kumawala
Kasi lahat sayo'y humihina

Kay hirap pag lolo at lola ka na
Gamot mo kay dami at iba iba
Pelekes sa mukha ay nagmumura
Sadyang ganyan kapag matanda na
Sadyang ganyan kapag matanda na
Kay hirap pag ika'y matanda na