
Kay Lupit Mo
Noon ay kay saya natin
Walang humahadlang sa atin
Tigib ng pag-ibig ang bawat isa
Lubos na maligaya tayong dalawa
Anong sarap gunitain
Ang ating mga nakaraan
Naaalala ko pa nang tayo'y magsumpaan
Sa may tabing-dagat ikaw ay umiyak
Ngunit kay lupit mo pag-ibig
Hindi mo pinagbigyan
Ang aming pagmamahalan
Ang aming pagmamahalan
Kay lupit mo pag-ibig
Iyong pinahintulutan
Na ako ay kanyang iwanan
Na ako ay kanyang iwanan
Anong sarap gunitain
Ang ating mga nakaraan
Naaalala ko pa nang tayo'y magsumpaan
Sa may tabing-dagat ikaw ay umiyak
Ngunit kay lupit mo pag-ibig
Hindi mo pinagbigyan
Ang aming pagmamahalan
Ang aming pagmamahalan
Kay lupit mo pag-ibig
Kay lupit mo pag-ibig
Kay lupit mo pag-ibig