Willy Garte

Kay Lupit Ng Tadhana


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ito kaya ang kapalaran
Na itinakda sa aking buhay
Bakit bawat hakbang ko ay
May luhang nakalaan

Ako'y bigo sa 'king pag-ibig
Dahil ako'y mahirap lamang
Kahit ako'y mahirap lamang
Puso ko ay tapat umibig

Bakit kaya o kay lupit
Ng tadhana sa 'king buhay
Bakit ako'y pinabayaan
Sa aking kinalagyan

Kailan kaya mapapawi
Dilim nitong aking landas
Kailan ko pa masisilayan
Ang tanglaw sa aking buhay

Ito kaya ang kapalaran
Na itinakda sa aking buhay
Bakit bawat hakbang ko ay
May luhang nakalaan

Ako'y bigo sa 'king pag-ibig
Dahil ako'y mahirap lamang
Kahit ako'y mahirap lamang
Puso ko ay tapat umibig

Bakit kaya o kay lupit
Ng tadhana sa 'king buhay
Bakit ako'y pinabayaan
Sa aking kinalagyan

Kailan kaya mapapawi
Dilim nitong aking landas
Kailan ko pa masisilayan
Ang tanglaw sa aking buhay