
Kay Palad Mo
Kay palad mo mahal ka nya
Ngayo'y nasa iyo pag-ibig na di nadama
O kay tagal ko syang hinintay
Pinangarap minahal
Kay palad mo kasama mo sya
Habang kayo'y nagsasaya
Ako'y nag-iisa
Nasasaktan nagdaramdam
Tinatanggap na sya'y sayo magpakailanman
Kay palad mo kaibigan ko
Di ka na naghirap sya'y sayong-sayo
Kaibigan ko pakinggan mo
Tanging hiling sayo
Sya'y ingatan mo
Kay palad mo mahal ka nya
Ngayo'y nasa iyo pag-ibig na di nadama
Nasasaktan nagdaramdam
Tinatanggap na sya'y sayo magpakailanman
Kay palad mo kaibigan ko
Di ka na naghirap sya'y sayong-sayo
Kaibigan ko pakinggan mo
Tanging hiling sayo
Sya'y ingatan mo oh ah
Kay palad mo kaibigan ko
Di ka na naghirap sya'y sayong-sayo
Kaibigan ko pakinggan mo
Tanging hiling sayo oh
Tanging hiling sayo
Sya'y ingatan mo