
Komplikado
Paano ba pumasok palabas
Ang umabante na habang umaatras
At simulan na ang pagwawakas
Sa panghihina ko tila lumalakas
Komplikado lang ang nangyayari
Ayokong mahulog sa ere
Lumalalim na ang kababawan mo
Sumosobra na ang pagkukulang ko
Sa iyo
Sa iyo
Malinaw man sa atin ang lahat
Lumalabo lang pagkat hindi sapat
Ang nasira ay maaayos din naman
Muling hawakan ang binitawan
Komplikado lang ang nangyayari
Ayokong mahulog sa ere
Lumalalim na ang kababawan mo
Sumosobra na ang pagkukulang ko
Sa iyo
Sa iyo
Huwag kaligtaang kalimutan
Kung wala rin namang pupuntahan
Komplikado lang ang nangyayari
Ayokong mahulog sa ere
Oh lumalalim na ang kababawan mo
Sumosobra na ang pagkukulang ko
Sa iyo
Sa iyo
Lumalalim na ang kababawan mo
Sumosobra na ang pagkukulang ko
Sa iyo
Sa iyo
Komplikado
Komplikado
Komplikado