
Kung Ako Ay Iibig
Kung ako ay iibig
Kung ako ay magmamahal
Yayakapin bawat sandali
Di man magtagal
Walang sugat ang di kayang hilumin ng puso kong
Hindi aatras sa gitna ng pagkabigo
Saglit man ang panahong ikaw ay mahagkan
Pag-irog ay buong pusong inilaan
Kung ako ay iibig
Kung ako ay magmamahal
Yayakapin bawat sandali
Di man magtagal
Ibibigay pag-aruga ng walang kapalit
Kahit masaktan ng paulit-ulit
Hindi susuko ano man ang maging hadlang
Ang pag-irog ay buong pusong inilaan
Kung ako ay iibig
Kung ako ay magmamahal
Yayakapin bawat sandali
Di man magtagal
Di man magtagal