
Kung ako'y magaasawa (If I'll marry)
Ang dalagang umiibig
Ng dakila at dalisay
Habang pinasasakitan lalong yumayabong
Ang pagsintang tunay
Kahit mo na paluhain
Lalo ka pang susuyuin
Kahit na nasa kasawian
Ikaw ay lilingapin
Kung ako'y mag aasawa pipiliin ko'y tahimik
Ayaw ko sa paralumang salawahan sa pag-ibig
Nais ko'y sariling tunay ang kanyang pag-ibig at buhay
Aming pagsasaluhan ligaya't kalungkutan magpahanggang libingan
Nais kong sariling tunay
Ang kanyang pag-ibig at buhay
Aming pagsasaluhan ligaya't kalungkutan
Magpahanggang libingan