
Kung Ang Pag-Ibig
Kung ang pag-ibig
Ay ikaw
Kung ang pag-ibig ay ikaw
Kung ang pag-ibig mo ay alon
Ay nais kong muli't muling lumusong
At kahit ang alon maging daluyong
Handa na akong malunod
Isang bangkang alaala ang nais kong tawirin
Para sa iyo aking sinta karagatan lalanguyin
Kung ang pag-ibig mo ay ang ulan (ang ulan)
Ay nais kong muli't muling magtampisaw
At kahit ang ulan man ay maging bagyo
Sa hangin magpapatangay ako
Isang patak ng lumipas babalik-balikan
Liwanag ng kalangitan sabay nating matanaw
Kung ang pag-ibig (pag-ibig)
Ay ikaw
Kung ang pag-ibig ay ikaw
Kung ang pag-ibig (pag-ibig)
Ay ikaw
Kung ang pag-ibig ay ikaw
Kung ang pag-ibig ay ikaw
Wala na sanang hahanapin pa
At kahit ang pag-ibig mo'y di maging ako
Maghihintay pa rin sayo
Kung pag-ibig ay hindi ikaw (walang pag-ibig na ikaw)
Kung pag-ibig ay hindi ikaw (walang pag-ibig na ikaw)
Kung pag-ibig ay hindi ikaw
Kung ang pag-ibig (pag-ibig)
Ay ikaw
Kung ang pag-ibig ay ikaw (kung ang pag-ibig ay ikaw)
Kung ang pag-ibig
Ay ikaw
Ang pag-ibig ko'y ikaw